- BULGAR
Negosyante, nilikida ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | June 25, 2022
BATANGAS—Patay ang 47-anyos na negosyante nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. San Juan, Mabini.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Marlon Olla, nakatira sa Bgy. Francisco sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang pauwi sa kanilang bahay si Olla ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nabatid na mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.