Naligo sa ilog, nalunod

@Balitang Probinsiya | December 30, 2020
ISABELA—Isang 23-anyos na lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Capellan, Ilagan City.
Ang biktima ay nakilalang si Arvin Resurrecion, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, kasama ni Resurrecion ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak na nag-picnic at naligo sa ilog.
Nabatid na habang naliligo ay napagawi si Resurrecion sa malalim na bahagi ng ilog kaya ito nalunod.
Kaagad sumaklolo ang mga kaibigan at kamag-anak ni Resurrecion, pero bangkay na nang maiahon sa ilog ang biktima.



Comments