top of page
Search
  • BULGAR

Nahirapan sa buhay-bundok, 11 NPA sumurender

@Balitang Probinsiya | August 18, 2022


SORSOGON—Dahil sa nararanasang hirap na pamumuhay sa bundok, nagpasya ang labing-isang miyembro ng New People's Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Casiguran.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukokong komunista na pawang kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Napag-alamang isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas,bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Ayon sa mga sumukong NPA, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page