Nag-shabu sa sementeryo arestado
@Balitang Probinsiya | September 19, 2022
CAGAYAN—Isang drug addict na sepulturero ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa loob ng sementeryo sa Bry. Maura, Aparri.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Garry Yordi, 38-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na gumagamit ng shabu ang suspek sa loob ng sementeryo kaya agad itong pinuntahan at dinakip ang sepulturerong adik.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.



Comments