top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Most wanted tiklo sa hideout

  • BULGAR
  • Sep 13, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 13, 2022


LAGUNA—Isang most wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sto. Tomas, Biñan City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rocky Baculanlan, 32-anyos, at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na nakita ng mga awtoridad ang suspek sa nasabing barangay kaya agad itong inaresto.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page