Most wanted ng Albay, timbog sa Laguna
@Balitang Probinsiya | September 22, 2022
LAGUNA—Isang most wanted na rapist sa Albay ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Sta. Rosa City.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na "Marlon," 45-anyos habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Tiwi, Albay.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments