Most wanted nasakote
@Balitang Probinsiya | April 28 2022
ALBAY – Isang most wanted ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Ranao-Ranao, Legazpi City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Abraham delos Santos, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad si Delos Santos sa naturang barangay kaya agad itong inaresto.
Hindi na nanlaban at kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek.



Comments