Most wanted criminal, timbog
@Balitang Probinsiya | June 17, 2022
NORTH COTABATO–Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bao, Alamada.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Reland Diesto, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Diesto sa kasong paglabag sa anti-violence against women and children sa Surigao del Sur.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Diesto kaya naaresto ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments