Most wanted criminal, nasakote
@Balitang Probinsiya | July 4, 2022
AKLAN—Arestado ang most wanted criminal kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Altavas.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Richard Benedicto, 38-anyos, pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse sa lalawigan.
Napag-alamang nakita ng mga operatiba si Benedicto sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments