Miyembro ng BIFF, tepok sa engkwentro
@Balitang Probinsiya | July 22, 2022
MAGUINDANAO—Isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay sa naganap na engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga terorista kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Duguengen, Shariff Saydona Mustapha.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na terorista na miyembro ng BIFF na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Nabatid na nagpapatrulya umano ang Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga terorista.
Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang miyembro ng BIFF.
Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas na terorista.



Comments