Misis at kalaguyo arestado
- BULGAR
- May 9, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 9, 2022
MISAMIS ORIENTAL – Isang misis at kalaguyo nito ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Cagayan de Oro City sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang misis, kalaguyo nito at ang biktimang mister na pawang residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakita ng mister na may katalik na ibang lalaki ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay kaya humingi ito ng tulong sa pulisya, at ipinahuli ang kanyang asawa at kalaguyo nito.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag sa pulisya ang misis at ang lover nito.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong adultery ang magkalaguyong suspek.



Comments