top of page

Mga dapat ikonsidera kung kailangang mamili sa trabaho at pag-aaral

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 18, 2020




Bunga ng pandemya, nahirapan ang iyong mga magulang sa hanapbuhay, nawalan ng pinagkakakitaan ang ama, habang ang nanay ay humina ang restoran na pinagtatrabahuhan. Paano ka na lang, dalawang taon pa bago ka maka-graduate sa kolehiyo, kailangan mo na nga bang maging working student?


Pero kailangan mong kayanin, maghahanapbuhay ka at dapat may kitain ka sa labas ng campus. Dapat ay may ibayo kang disiplina sa sarili para maipagpatuloy ang mauudlot na 2 taon pa sa kolehiyo.


Dapat mo ring malaman ang tama at sapat para sa iyong pangangailangan. Kaya mo dapat pagsabayin ang trabaho at ang pag-aaral kung bachelors degree ang iyong pangarap. Kung associate, masters degree o kahit mas mataas na edukasyon, walang imposible sa nangangarap at nagsisikap.


‘Yun nga lang, naguguluhan ka ngayon kung pipiliin ang pag-aaral habang nagtatrabaho o full time na magtatrabaho na lamang muna para makapag-ipon. Kung ganyan ang kaisipan sa karamihan ng ating kabataan ay makakamit ang tagumpay sa buhay.

1. Isipin ang sitwasyong pinansiyal. Kaya mo ba talagang makapagkolehiyo gayung kapos pareho ang mga magulang? Kaya mo bang pumasok sa scholarship grades at iba pang scholarship na ibinibigay ng gobyerno at pribadong institusyon para makatulong? ‘Yan ba ang paraan upang mabigyan ka nila ng sapat na tulong o may nakikita kang darating sa iyong sarili sa susunod na mga taon? O kaya ay pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho? Pakaisipin mo muna ang dalawang bagay na ito.

2. Sumulat ng plano kung paano makapagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo at magkaroon ng sapat na pera para makapagpa-enroll. Full load ba ang gustong kuning klase o mag-apply ng internship sa isang kumpanya para kumita ng kaunti? Ito ang siyang pinakamalaking desisyon mo? Pero kung wala kang karanasan at hindi pa rin nagkaroon ng iba pang uri ng trabaho, mas unahin ang pag-aaral kung may makukuhang scholarship o may tutulong na kamag-anak para makapag-enroll ka sa kolehiyo. Kung agad kang nakapasok sa entry level jobs, ‘yun na rin ang piliin. Ang ilan ay tagumpay sa pagpasok sa kolehiyo. Walang age limit sa pagpasok ng estudyante ng kolehiyo, lahat ng kolehiyo ay tanggap ang 17-anyos o 90-anyos na estudyante.

3. Unahin ang desisyon ng magulang dahil sila ang handang tumulong sa pinansiyal mong pangangailangan at wala nang ibang gumawa nito sa ‘yo kundi ang sariling magulang o kapatid. Kailangang lagi silang kasama sa iyong mga plano, bukod sa pinansiyal na tulong mo sa kanila, kailangan ding kasama mo sila sa iyong titirahang bahay kahit na ang kapatid na may trabaho rin para makatipid ka rin sa iba pang gastusin at maging libre sa pagkain. Kaya kung may kaunti kang maitutulong sa kanila dahil may trabaho ka, puwede kang mag-abot ng pinansiyal na tulong sa kanila. Humingi ng payo sa mga magulang.

4. Piliin kung saan ka maligaya at komportable. Imadyinin mo kung ano ka pagkaraan ng 10 taon. Kung hirap ka sa kolehiyo at gusto mo na lang magtrabaho na muna ngayon at makapag-ipon kahit dalawang taon.

5. Pumili ng kurso o trabaho na nakaiinteres sa ‘yo. Ang pagpili ay isa sa pinakamahirap pero kailangan. Humanap ng isang nakaka-challenge pero nakatutuwang trabaho at maligaya kang ginagawa ito. Halimbawa, kapag gusto mong makatrabaho ang mga bata, puwede kang mag-teacher o guidance counselor.

6. Ang ilan ay hindi kayang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, nalilimitahan ang oras ng trabaho dahil loaded ka sa subjects. Kung gagawin ito ay kailangan ng strategy, kung hindi ay mabe-burnout ka.

May 5 teknik naman para makapasa sa exam.


Nahihirapan ka bang pumasa sa tests? Gusto mo bang malaman ang sikreto para may matandaan ka sa iyong mga nabasa at napag-aralan? Kapag kukuha ng tests at nais pumasa rito, kunin ang lahat ng aklat at rebyuhin ang lahat ng materyales sa isang tahimik na silid at basahin ito nang paulit-ulit sa loob ng isang linggo bago pa man sumapit ang test. Kailangang magbasa o mag-aral ng eksakto sa napiling oras sa umaga. Kapag inaantok ay kumuha ng isang plangganang tubig at ibabad doon ang mga paa.


1. At para mas gising na gising, huwag iinom ng kape bago mag-exam. Kumain lang ng light foods na may mineral. Iwasan ang matatabang pagkain at mamantika. Uminom ng juice o tubig lang, magrelaks at huminga nang malalim at handa ka nang pumasa. Iwasan ang softdrinks.

2. Mag-aral at mag-review sa madaling-araw. Kumain ng madadahon at mabeberdeng gulay araw-araw.

3. Magrelaks at kumampante, huwag mag-aaral sa last minute bago ang exam dahil mame-mental block ka lang.

4. Mag-aral ng maaga bago ang iskedyul ng test at kumuha ng ilang leksiyon ng nabasa.

5. Ang pagmememorya ay balewala kung hindi mo naiintindihan ang iyong leksiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page