top of page
Search
  • BULGAR

Mangingisda todas sa kidlat

@Balitang Probinsiya | August 1, 2022


MASBATE—Isang mangingisda ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Bantigue, Masbate City.


Ang biktima ay kinilalang si Jepoy Bartolay, nasa hustong gulang, residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nangingisda sa dagat si Bartolay nang biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.


Dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama kay Bartolay ay agad itong namatay.


Sa pagsusuri ng mga awtoridad ay nabatid na nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page