Mangingisda patay sa pana
@Balitang Probinsiya | May 14, 2022
SORSOGON – Isang mangingisda ang namatay nang panain ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Calayuan, Matnog sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng pana sa dibdib na si Juanito Gestiada, samantalang ang suspek ay si Judy Verdida, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Verdida at Gestiada kaya kinuha ng suspek ang kanyang de-panang baril at pinana ang biktima na tinamaan sa dibdib.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka sumuko sa pulisya ang suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.



Comments