Magsasakang rapist arestado
- BULGAR
- Sep 1, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 1, 2022
KALINGA—Isang wanted na magsasakang rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Taga, Pinukpuk.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Arnold Baggay, 38-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Baggay sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments