top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magsasakang naglalaba, niratrat ng mga armado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 9, 2020



AGUSAN DEL SUR—Isang magsasaka ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa habang naglalaba sa ilog na sakop ng Bgy. San Antonio, RTR. Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Gerald Camarenes, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang naglalaba sa nasabing ilog si Camareres ay biglang dumating ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.


May hinala ang mga awtoridad na mga New People’s Army (NPA) ang pumatay sa biktima.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page