Magsasaka tinodas ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | October 11, 2022
MAGUINDANAO DEL NORTE—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Margues, Datu Odin Sinsuat.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Pilot Panambulan, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang angkas si Panambulan sa motorsiklong minamaneho ng kanyang ama ay sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin
.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mg salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments