Magsasaka, tinepok ng kapwa magsasaka
@Balitang Probinsiya | July 6, 2022
QUEZON—Patay ang isang magsasaka nang pagtatagain ng kapwa niya magsasaka kamakalawa sa Bgy. Pagkakaisa, San Narciso.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan at ulo ay nakilalang si Efren Aureda, 40-anyos, samantalang ang suspek ay si Ryan Saunar, 45-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, pumasok si Aureda sa bahay ni Saunar at hinamon ng away ang suspek.
Dahil dito, agad kumuha ng itak si Saunar at pinagtataga ang biktima hanggang sa mapatay.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay kusang sumuko sa pulisya ang suspek.



Comments