Magsasaka, patay sa rambol
@Balitang Probinsiya | July 12, 2022
ALBAY—Isang magsasaka ang namatay at isa pang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na rambulan kamakalawa ng dalawang grupo ng kalalakihan sa Bgy. Balza, Malinao.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jimmy Padua, Sr., samantalang ang sugatan ay si Rodrigo Casin, 62-anyos, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagtungo si Jimmy, Sr., kasama ang anak niyang si Jimmy, Jr. sa bahay ni Casin para pag-usapan ang nakaraan nilang alitan, pero ang usapan ay nauwi sa gulo hanggang sa magrambulan sila sa nasabing lugar.
Nang humupa ang gulo ay kapwa nakitang duguan at may tama ng mga taga sa katawan sina Jimmy, Sr.
Dinala pa ang dalawa sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival si Jimmy, Sr.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.



Comments