Magsasaka kinatay ng 2 kaalitan
@Balitang Probinsiya | August 9, 2022
CAMARINES NORTE—Isang magsasaka ang namatay nang tagain at pagsasaksakin dalawa niyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Laniton, San Lorenzo Ruiz.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga at saksak sa katawan na si Marlon Villafranca, 40-anyos, samantalang ang mga suspek ay itinago muna ng pulisya sa mga alyas na Domeng at Bondying, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Nang matapos ang pananaga at pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas nang manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.



Comments