top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasaka dinedbol ng 2 armado

BULGAR
Jul 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 23, 2022


SORSOGON—Patay ang 52-anyos na magsasaka nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Tupaz, Donsol.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Jazo, 52-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang nakatayo umano si Jazo sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek, samantalang dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page