Magsasaka dedbol sa bus
@Balitang Probinsiya | May 14, 2022
AKLAN – Isang magsasaka ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang pampasaherong bus kamakalawa sa Bgy. Regador, Ibajay sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima at ang driver ng pampasaherong bus dahil nangako ang management ng bus na sasagutin ang lahat ng gastusin at danyos sa pagkamatay ng magsasaka.
Ayon sa ulat, nakaupo sa gilid ng kalsada ang magsasaka para magpahinga matapos kumuha ng mga kawayan nang mabangga ito ng bus.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusang sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus.



Comments