Magnanakaw ng cellphone, arestado
@Balitang Probinsiya | June 11, 2022
PALAWAN–Isang magnanakaw ng cellphone ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa City.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, isang hindi pinangalanang babae ang humingi ng tulong sa pulisya dahil ninakaw umano ang kanyang cellphone.
Nabatid na sinira ng suspek ang bintana ng bahay ng biktima kaya nanakaw ang kanyang cellphone.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ay nakilala ng mga ito ang suspek kaya agad itong inaresto at narekober ang cellphone ng biktima.



Comments