Maglolang tulak, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | July 21, 2022
CAMARINES SUR—Arestado ang maglolang drug pusher sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Felipe, Naga City.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Araceli Arbuis, 67-anyos at Bench Arbuis, 20-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay at dito nadakip ang maglolang tulak ng shabu.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingay ng mga suspek.
Nakapiit na ang maglolang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments