top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maglola sugatan sa karambola

BULGAR
Jun 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 12, 2022


AKLAN–Sugatan ang maglola sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Aranas, Balete.


Kinilala ang maglolang sugatan na sina Jessa Matias, 62-anyos at Rico James, 20-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Napti, Batan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng trak si Rodel Unating, 36-anyos kaya nabangga nito ang mini-trak na minamaneho ng hindi pinangalanang driver at tricycle na kinalululanan ng maglola.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan.


Nabatid na sinampahan na ng pulisya si Unating ng kasong reckless imprudence resulting to double physical injury at damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page