top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magkasintahang tulak, tiklo sa buy-bust

BULGAR
Aug 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 13, 2022


ALBAY—Naaresto ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher sa buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bitano, Legazpi City.


Kinilala ang magkasintahang suspek na sina Mark Lonsame at Erigyn Villanueva, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng 500 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang magkasintahang suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page