top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-utol na NPA, sumurender

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 7, 2020



NUEVA VIZCAYA — Sumuko ang magkapatid na miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa pulisya sa Bayombong.

Para sa kanilang seguridad, kinilala lang ang magkapatid na sumuko sa mga alyas na Ka Cain at Ka Abel, kapwa NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, isinuko rin ng magkapatid na rebelde ang mga dala nilang iba’t ibang uri ng armas, mga bala at subersibong dokumento sa Police Provincial Mobile Force Company.

Sinabi ng magkapatid na nais na nilang magbagong-buhay na kapiling ang kanilang pamilya kaya nagpasya silang sumuko sa pamahalaan.

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang magkapatid na NPA para matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page