Mag-asawang tulak, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | July 30, 2022
MASBATE—Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Espinosa, Masbate City.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mag-asawang suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon upang madakip ang mga drug dealer na nagsusu-supply sa kanila ng droga.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang mag-asawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.



Comments