top of page
Search
  • BULGAR

Mag-asawang may strong number, yayaman dahil sa mga anak

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 14, 2024



Dear Maestro,


Malalaki na ang dalawa kong anak, at matagal na kaming hiwalay ng tunay nilang ama. 


Sa ngayon ay may kinakasama ako na hiwalay din sa kanyang asawa. Bukod kasi sa kanya, nagkaroon pa ng ibang lalaki ang dati niyang misis. 


Maestro, itatanong ko lang kung ano ba ang magiging kapalaran namin habang kami ay nagsasama? 


Nais ko ring malaman kung kailan kaya ako makakaahon sa problemang pampinansiyal? 


Ang birthday niya ay September 17, 1972 habang ako naman ay February 10, 1975. 


Umaasa,

Alexa ng Dolores, Bacolor, Pampanga

 


 

Dear Alexa, 


Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit ang Aquarius at Virgo ay pinagtatagpo gayung hindi naman talaga kayo magka-compatible.

Sa kaso n’yo ngayon, kapansin-pansin na kapwa kayo may strong number. Ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) at ang birth date niyang 17 o 8 (1+7=8), kung saan ang basic rule sa Numerology ay“Ang parehong strong number ay kusang naghihigupan ng lakas, kaya ‘di maiiwasan na sila ay magipit.”


Sa madaling salita, kung may magpapa-weak sa inyo kahit na kapwa kayo may strong number, tiyak na tatagal at liligaya ang inyong relasyon.


Dagdag dito, kapag ang mag-asawang strong number ay nagpasensiyahan, tiyak ang kanilang pagyaman. Higit lalo kung nagtatrabaho na sa abroad ang kanilang mga anak. 

Iyon nga ang saktong salita, nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanilang mga anak o kaya naman ay may kani-kanyang negosyo, dahil karamihan sa mga mag-asawang strong number ay nagiging successful, tulad ng nakakapag-abroad ang mga anak, at dahil sa mga anak na nakapangibang-bansa o nakapagpatayo ng negosyo, ‘yung mga anak na iyon ang magpapayaman at magpapasagana sa kanilang kabuhayan.


Kaya sa pagbubuod ng pag-aanalisang ito, isa lang ang dapat at lagi n’yong tandaan, bago kayo magtagumpay at lumigaya, babayuhin muna kayo ng maraming mga pagsubok. Dahil nga pareho kayong may strong number, d’yan na papasok ang pambababae ni mister o panlalalaki ni misis. Ngunit, kapag nalabanan n’yo ang nasabing mga balakid, hindi kayo naghiwalay, patuloy kayong nagmahalan at nagawa ng isa sa inyo ang magpaka-weak kahit na strong ang numero niya, sa puntong iyon, unti-unti na uunlad, liligaya at sasagana ang pamumuhay n’yo, kasabay ng pagtatagumpay ng inyong anak sa sa career at propesyon.


Sa taong 2027, sa edad mong 52 pataas habang 54 naman si mister, tiyak ang magaganap, unti-unti na kayong makakaahon sa mga problemang pampinansiyal hanggang sa tuluyan kayong umunlad at yumaman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page