Mag-asawa dedbol sa SUV
@Balitang Probinsiya | August 25, 2022
NORTH COTABATO—Kapwa namatay ang mag-asawang lulan ng motorsiklo nang aksidenteng mabangga sila ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Pagangan, Aleosan.
Ang mag-asawang biktima ay kinilala ng pulisya na sina George at Remedios Gornez, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente ng bayan ng Midsayap sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ng hindi pinangalanang driver, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mag-asawang biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival, samantalang sinampahan pa ng pulisya ang driver ng SUV ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.



Comments