Mag-ama, sugatan sa kidlat
@Balitang Probinsiya | July 11, 2022
CAMARINES SUR—Sugatan ang mag-ama nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa Bgy. Lupi, San Pedro.
Ang mag-amang biktima ay sina Raul Lanuza, nasa hustong gulang at anak nito na itinago sa alyas "Totoy," 15-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad sa bukid ang mag-ama ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa mga biktima.
Nabatid na nagtamo ng 3rd degree burns sa katawan ang mag-amang biktima.
Dinala ng mga residente ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang ginagamot.



Comments