Search
  • BULGAR

Madaldal at taklesang TV host...

ilang beses nang tsinugi sa iba’t ibang network dahil imbiyerna ang madlang pipol sa ugali, todo-paramdam ngayon na meron ulit show hindi naman sure kung bet pa panoorin ng netizen, abangan!

@Kabit-Kabitz | July 6, 2020



Kakatapos lang ang pride month mga kapwa ko beki! Palakpakan naman d’yan! ‘Kalokah ang mga ganap this week sa dami ng mga nakulong nang dahil sa paglabag sa social distancing. Juskoday! Pero ang mga bida natin this week ay wit uso ang social distancing dahil kabit-kabitz ang kanilang life.

Cookie Panadera



Tulad ng kanyang mga magulang, pabida rin si COOKIE PANADERA. Pabibo ang peg ni bagets na panay ang komento sa kung anu-anong isyu. Marami ang nagpahayag ng suporta sa dalaga sa mga maaanghang nitong pahayag, ngunit mukhang hindi na rin nito kineri at nagdesisyon na itong manahimik muna sa social media matapos itong makatanggap ng mga threats sa socmed. Kashokot! Sana ay natuto siya na ‘wag patola sa lahat ng isyu. Anak ka nga ng tatay mo.

Atty. Pilosopong Tasyo



Isa sa mga bumatikos sa mga pahayag ni bagets ay si ATTY. PILOSOPONG TASYO. Hindi nagustuhan ni atorni ang tabas ng dila nito tungkol sa isang opisyal ng mataas na hukuman.


‘Kaloka si bagets dahil dedbol na ang utaw ay hindi pa rin ito nagpigil sa pag-post ng kanyang opinyon. Bumingo tuloy siya kay atorni at mega-lait sa pudrakels nito na diumanong bopols na abogado. Celebrity lawyer si ATTY. PILOPOSONG TASYO at knows din siya ng madlang pipol sa pagiging matalas ang dila. Sinetch?

Claudia Barreta



Isa naman sa dating kliyente ni ATTY. PILOSOPONG TASYO ay si CLAUDIA BARRETA. Ipinagmalaki pa noon ng aktres na BFFs silang dalawa na nilaglag siya sa kaso nang umatras ito bilang abogado sa isang kasong kanyang kinakasangkutan.


Nireklamo ng mga julalay ng aktres na ginugulpi sila nito. Nakakaloka! Mala-anghel ang fez ng aktres kaya hindi makapaniwala ang mga utaw na may kakayahan pala itong gawin ang ganu’ng bagay. Napabalita pang nakipagbasag ulo itey at ang kanyang ex-hubby noon sa isang sikat na kolumnista sa airport. War freak pala si atey!

Tetay Aring-kringkring



Sweet naman sa mga kapwa artista si CLAUDIA BARETTA tulad ni TETAY ARING-KRINGKRING na nakasama niya sa isang horror film noon. Kung ano’ng ikinatahimik ni CLAUDIA BARETTA ay siyang ikinadaldal ni TETAY ARING-KRINGKRING.


Sa sobrang daldal nito, halos hindi na makapagsalita ang mga guests niya sa kanyang talk show once upon a time. Tsinugi ito sa dating network dahil sa sobrang daming nairita dito dahil sa kadaldalan. Matagal din nawala sa sirkulasyon ang actress-TV host pero biglang nagparamdam at kesyo pumirma na raw ito ng kontrata sa isang artist management company at merong show. Pero ang tanong ay type pa rin kaya siyang panoorin ng madlang pipol? Abangan.

Ateng Siargao



Parehong may masalimuot na relasyon sina TETAY ARING-KRINGKRING at ATENG SIARGAO sa kanilang mga baby daddies. Lantad on national TV ang bangayan ni ateng at ng kanyang ex-jowa nang dahil sa pag-aalaga ng kanilang junakis.


Pero everybody happy na ngayon dahil sa wakas ay nagkasundo na ang dalawa sa pag-aalaga ng kanilang anak. Pero bago nakahanap ng happily ever after si ateng ay kilala ito sa pagiging hali-berry. Ang chika noon ay sobrang wasak na wasak siya ng iwanan ni ex-jowa kaya panay daw ang punta nito noon sa bar at kung kani-kaninong lalaki sumasama pauwi. Jusko! Mabuti na lang at nagbagong buhay na siya at tahimik na naninirahan sa isla kasama ang kanyang bagong jowa at ang mga junakis niya. It’s never too late to change you know?

Anita Makinis



Level naman sa ganda si ATENG SIARGAO at ang BFF niya sa isang pelikula na si ANITA MAKINIS. Sikat na sikat ang mestisang aktres na ito ngayon. At dahil sikat itey ay lahat ng mata ng mga utaw ay nakatutok sa bawat galaw nito. Napabalita noon na napaaway si ate ghorl sa isang bar sa sobrang kalasingan at kung maka-english ay wagas!


Ang bali-balita noon ay nag-iibang anyo raw siya at ang kanyang mga friendships kapag nakakainom. Mukhang mga maldita naman talaga ang barkada niya kaya hindi na rin ako nagtataka. Sey ng mga sources ko ay pakitang-tao lang daw talaga ang pagiging mabait nito at ng mga barkada niya sa madlang pipol dahil sa good girl image na need nilang ipakita. Kaya naman crayola to death siya noon dahil akala niya ay katapusan nang kanyang career. ‘Teh, mas problemahin mo muna ang ugali mo kaysa sa career mo. Plastik!

Poging Amboy



Minsan naman na-link sina ANITA MAKINIS at POGING AMBOY. Sayang naman at hindi na sila nagkatuluyan. Sa tagal ng kanilang relasyon ay sa hiwalayan din ang tuloy. Kung happily married si ate ghorl, nagpapalit-palit naman ng jowa si POGING AMBOY. Matagal naman bago napalitan sa puso ni kyah ang ex-jowa kaya nagkaroon ng usap-usapan na baka badingerz siya. Pero nagkajowa naman ito ulit na isang modelo. Ang nakakaloka ay iniwanan siya ng model dahil isa palang tiborcia. Pero biglang ginulat ni kyah ang buong universe na ipakilala nito ang kanyang bagong jowa.

Catrina Grasya



Ang jowa ni POGING AMBOY na tinutukoy ko ay walang iba kundi si CATRINA GRASYA. Marami ang nagulat dahil nakalusot sa mga chismosa ang isyung ito. Pero siyempre, hindi ‘yan lulusot sa akin. Char! Ang chika kasi ay diumano’y namangka ang babaita sa dalawang ilog bago piniling tuluyan si POGING AMBOY.


Nakipag-break ito sa kanyang ex-jowa na talagang poging-pogi rin pero tuloy pa rin pala ang usap ng dalawa habang palihim na nakikipag-usap din ito kay POGING AMBOY. Ang dahilan daw kaya tuluyan na niyang iniwan ang kanyang ex-jowa ay sa kadahilanang wit naman daw ito sikat kumpara sa bagong manliligaw. Kaya go, go, go na siya sa bago niyang jowa. May pagka-gamitera pala siya? Looks can be deceiving naman talaga. Meow!

Iskool Mabukol



Palagi rin laman ng balita si CATRINA GRASYA dahil sa hilig din naman mag-post ng kanyang mga opinyon sa social media. Jusko ang mga utaw wit talaga gusto ang payapang buhay. Isa na rito na kuwinestiyon nito ay si ISKOOL BUKOL at ang mga pulis sa pinamumuan nitong siyudad nang hulihin nila ang mga beking nag-rally kamakailan. No comment lang ang sagot ni Yorme sa kanila.


Hu u ka raw ‘teh? Pero marami akong nasasagap na chika sa ating poging Yorme. Ang bali-balita kasi ay hindi raw ito kasing linis ng iniisip ng mga utaw. Nakarating sa akin ang balitang may palihimitong transaksiyon na ginawa kung saan ibinenta raw nito ang isang lupa sa kanyang pinamumunuan sa isang malaking kumpanya kapalit ang limpak-limpak na salapi. Hmmm… how true kaya ito?

Boy Bitag



Friendship naman si ISKOOL BUKOL at ang broadcaster na si BOY BITAG. Pero kahit friendships pa sila ay hindi lulusot kay BOY BITAG ang mga baluktot na pangangatwiran. Minsan na niyang iniulat at tinatawagan ng pansin si mayor dahil sa paggamit ng sasakyan ng gobyerno ng isa sa mga tauhan nito.


Nakita kasi sa video na nagsasakay ng alak ang isang lalaki na diumano ay tauhan nito sa sasakyang pulang plaka. Kebs naman ito at ininjan lang ang broadcaster at wala raw siyang oras para chumika. Laman naman muli ng balita si BOY BITAG nang patulan nito si COOKIE PANADERA dahil sa komento nito tungkol sa pananamit ng sexy ng mga babae. Jusko naman kasi ang mga utaw sa social media lahat na lang mema! Gayahin n’yo na lang anglola ninyong iwas social media para iwas sa nega. Pak!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.