Lolo umawat sa away tinaga
@Balitang Probinsiya | May 12, 2022
AKLAN – Isang 60-anyos na lolo na umawat sa away ng mag-asawa ang sugatan nang tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Laguinbanwa East, Numancia sa lalawigang ito.
Ang biktima na nagtamo ng taga sa leeg ay nakilalang si Danilo Sereno, samantalang ang suspek ay si Aldrin Patropes, 35-anyos, at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-away si Patropes at ang misis niya na naging dahilan kaya umawat si Sereno, pero nagalit ang suspek kaya tinaga nito sa leeg ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa ngayon ay ginagamot na ito sa pagamutan.
Agad nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya si Patropes na nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide.



Comments