Lolo tinaga ng kainuman
@Balitang Probinsiya | April 24, 2022
AKLAN – Isang 61-anyos na lolo ang sugatan nang tagain ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Ambolong, Batan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Loniel Bautista, samantalang ang suspek ay si Archie Laurente, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Bautista at Laurente na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya, samantalang ginagamot pa sa ospital ang biktima.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong attempted murder.



Comments