Lolo tiklo sa boga at mga bala
@Balitang Probinsiya | October 16, 2022
QUEZON—Isang 76-anyos na lolo ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Sampaloc.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Luisito Salayo, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng pulisya ang bahay ni Salayo at dito nakumpiska ang kalibre .38 revolver at mga bala.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek sa mga awtoridad.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments