top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo pinalo ng tubo sa ulo

BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 20, 2022


AKLAN—Isang 63-anyos na lolo ang nasa kritikal na kalagayan nang paluin ng tubo sa ulo ng dalawa niyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Dumaguit, New Washington.


Ang biktima ay nakilalang si Edgar Ruiz, samantalang ang mga suspek ay sina Francis Fermino, 42-anyos at Nino Fermino, 37-anyos, pawang residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang mga suspek na naging dahilan kaya pinagpapalo nina Francis at Nino ng tubo sa ulo si Ruiz.


Kaagad dinala ng mga saksi si Ruiz sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong frustrated murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page