top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo patay, 2 pa sugatan sa pamamaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2022


QUEZON—Patay ang 62-anyos na lolo at dalawang kapitbahay nito ang sugatan nang pagbabarilin sila ng apat na hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pansoy, San Andres.


Ang nasawi ay nakilalang si Bernabe Ebarsabal, samantalang ang mga sugatan ay sina Dondon Argawanon, 33-anyos at Jurnel Riveral, 55-anyos, pawang nakatira sa nasabing barangay.


Batay sa imbestigasyon, nakaupo umano si Ebarsabal sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga salarin at agad itong pinagbabaril, at pagkaraan ay binaril din ng mga suspek sina Argawanon at Riveral.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.


Pinaghahanap na ng pulisya ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page