Lolo, namatay sa sunog
@Balitang Probinsiya | June 28, 2022
NUEVA ECIJA—Patay ang 83-anyos na lolo nang masunog ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Zamora, Sta. Rosa.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Marianito Talusan, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Talusan at na-trap sa loob ang biktima kaya kasama itong tinupok ng apoy.
Nabatid na nakaligtas naman ang mga kasama ni Talusan sa loob ng kanilang bahay nang makalabas agad sila sa nasusunog nilang tahanan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.



Comments