- BULGAR
Lending collector, tepok sa 2 holdaper
@Balitang Probinsiya | August 2, 2022
NORTH COTABATO—Isang lending collector ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang holdaper kamakalawa sa Bgy. Dungguan, Aleosan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Burgan Palwa, 22-anyos nakatira sa Kalamansag, Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Palwa ay dinikitan ito ng dalawang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay kinuha ng mga suspek ang bag ng biktima at saka mabilis na tumakas.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.