Lasing tinodas ng kainuman
- BULGAR
- Sep 17, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 17, 2022
RIZAL—Isang lasing ang sinaksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Mayamot, Antipolo City.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa dibdib ay nakilalang si Jopel Bartolay, samantalang ang suspek ay si Reymark Acuyan, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Bartolay at Acuyan na humantong para saksakin ng salarin ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments