Lasing sinaksak ng selosong mister
- BULGAR
- May 19, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 19, 2022
BATANGAS – Isang lasing ang sugatan nang saksakin ng isang selosong mister kamakalawa sa Bgy. Aguila, San Jose sa lalawigang ito.
Ang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa kanang kamay ay nakilalang si Jordan Agustin, 36-anyos, samantalang ang suspek ay si Frendijo Abad, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ni Abad na nakikipagkuwentuhan ang kanyang misis sa lasing na si Agustin kaya't inaya na ng suspek ang kanyang asawa na umuwi na sa kanilang bahay.
Nang sabihin umano ni Agustin na nagkukuwentuhan lang sila ng misis ni Abad ay dito na nagalit ang suspek at agad sinaksak nito ang biktima na tinamaan sa kamay.
Ginagamot na ngayon sa ospital si Agustin, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.



Comments