top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Lasing sinaksak ng kainuman

  • BULGAR
  • Jul 28, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 28, 2022

AKLAN—Isang lasing ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Brgy. Tagas, Tangalan sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Jeremy Cuales, 27-anyos, samantalang ang suspek ay si Renz Bautista, 23-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nang malasing umano sa inuman ay naging makulit na si Cuales kaya nagkaroon sila ng pagtatalo ng kainuman niyang si Bautista na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek ang biktima sa iba't ibang parte ng katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi si Cuales sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page