Lasing na rider, nahulog sa kanal
- BULGAR
- Jul 27, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 27, 2022
AKLAN—Sugatan ang isang lasing na rider nang aksidenteng mahulog sa kanal ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Numancia.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Patrick Dionisio, 25-anyos, nakatira sa Bgy, Arcanghel, Balete sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, dahil sa labis na kalasingan ay nawalan ng kontrol si Dionisio sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya nahulog ito sa kanal sa naturang barangay.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima at ginagamot na siya sa ospital.
Bagama’t nasugatan sa aksidente ay sasampahan pa rin ng pulisya si Dionisio ng kasong driving under the influence of liquor.
Comments