top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing na nag-amok, arestado

BULGAR
Jun 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 2, 2022


AKLAN–Isang lasing na nag-amok ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bubog, Numancia.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jomarie Natabio, 32-anyos, residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagtungo ang lasing na si Natabio sa sari-sari store para mangutang ng sigarilyo, pero nang hindi pautangin ay nagwala na ang suspek at naglabas ng itak saka hinahamon ng away ang may-ari ng tindahan.


Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya ang may-ari ng tindahan kaya rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.


Nahaharap si Natabio sa kasong alarm and scandal at illegal possession of deadly weapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page