- BULGAR
Laborer, todas sa kuryente
@Balitang Probinsiya | August 3, 2022
AKLAN—Patay ang 45-anyos na laborer nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Sa Roque, Malinao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Felicisimo Francisco, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Francisco ay nahawakan nito ang nakausling live wire sa street light kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Francisco sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.