Laborer tinadtad ng saksak ng kainuman
@Balitang Probinsiya | August 22, 2022
RIZAL—Isang laborer ang tinadtad ng saksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo, Cainta.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Joseph Toribio, samantalang ang suspek ay si Leomar Garcia, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa naturang bayan.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Toribio at Garcia na humantong para pagsasaksakin ng salarin ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na nagtangka pang tumakas si Garcia, pero nadakip siya ng mga rumespondeng pulisya.



Comments