Laborer tepok sa bangga ng motorsiklo
@Balitang Probinsiya | August 10, 2022
AKLAN—Patay ang 34-anyos na laborer nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Buenasuerte, Nabas.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Nino Castilon, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Castilon ay aksidente itong nabangga ng motorsiklong minamaneho ni Eduardo Yacub, 55-anyos, residente ng Bgy. Poblacion sa naturang bayan.
Napag-alamang nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima dahilan kaya ito namatay.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Yacub na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments