Laborer na tulak arestado
@Balitang Probinsiya | September 15, 2022
PALAWAN—Isang laborer na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Rio Tuba, Bataraza.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jobil Borres, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, si Borres ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments