Laborer na killer, arestado
- BULGAR

- Aug 25, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 25, 2020
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang laborer na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poloyagan, Dapitan City.
Ang suspek ay nakilalang si Feddie Sibuco, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Sibuco sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ni Sibuco kaya kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Sibuco nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.



Comments