- BULGAR
Laborer binoga ng kelot
@Balitang Probinsiya | July 26, 2022
AKLAN—Sugatan ang 37-anyos na laborer nang barilin kamakalawa sa Bgy. Naisud, Ibajay.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Jay Martizano, nakatira sa nabanggit na barangay, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, naglalakad si Martizano nang biglang sumulpot ang suspek at agad binaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong attempted murder.